Binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang party-list system sa bansa.
Sa talumpati ng Pangulo sa pag-iinspeksyon sa evacuation center sa Batangas, sinabi nito na ginagamit ng mga mayayaman ang party-list system para sa sariling pang-interes lamang.
“Now sad to say — wala akong away sa mga mayaman pati sa mga tao na — ang problema hindi nakita, I don’t know how bright or how — nasobra siguro pagka-bright nila na hindi nila tinignan what will follow. So ang lumabas ho ngayon ito na, maski sino na lang. Lahat ng mga mayaman, buong Pilipinas, lahat ng mga milyonaryo may party-list, agawan sila ng party-list. Iyong ibang walang party-list, binibili nila,” pahayag ng Pangulo.
Ayon sa Pangulo, panahon na para amyendahan ang 1987 Constitution.
Hirit ng Pangulo, dapat idaan sa Constitutional Assembly (ConAss) o Constitutional Convention (ConCon) ang pam-ayenda saa Saligang Batas para maayos ang sistema sa party-list.
Una nang sinabi ng Pangulo na ginagamit ng rebeldeng grupo na Communist Party of the Philippines ang party-list system sa bansa.
Ayon sa Pangulo, legal front ng CPP ang Makabayan bloc sa Kongreso.