DPWH, nag-inspeksyon bago ang inagurasyon sa Binondo-Intramuros bridge

DPWH photo

Nagsagawa ng pinal na inspeksyon ang mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Binondo-Intramuros Bridge Project, araw ng Lunes (April 4).

Magkasama sina DPWH Secretary Roger Mercado at Undersecretary and Build Build Build Chief Implementer Emil Sadain sa inspeksyon ng naturang proyekto.

Mapagkokonekta ng tulay ang Binondo at Intramuros, na bahagi ng “Build, Build, Build” Program ni Pangulong Rodrigo Duterte.

May habang 680 metro ang naturang tulay.

Sakop din ng proyekto ang konstruksyon ng dapat na lane na may habang 70 metro at 21 metrong wide basket-handle tied steel arch bridge.

Inaasahang maseserbisyuhan nito ang mahigit 30,000 motorista kada araw at mapapabuti ang lagay ng trapiko sa Metro Manila.

Mayroon ding inilagay na bike lanes na may reflective thermoplastic road lines at protected sidewalks para sa mas ligtas na biyahe.

Nakatakdang isagawa ang inauguration ceremony ng proyekto sa Martes, April 5.

DPWH photo
Read more...