$38 Million na bahagi ng ninakaw na Bangladesh funds hindi na makita – AMLC
Umaabot sa $38 Million na bahagi ng $81 Million na laundered money mula sa Bangladesh Central Bank ang hindi pa mahagilap hanggang sa kasalukuyan ayon sa Anti-Money Laundering Council (AMLC).
Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado kaugnay sa nasabing halaga na umano’y pumasok sa bansa ay sinabi ni AMLC Executive Director Julia Bacay-Abad na inaalam na nila kung saan posibleng napunta ang $28 Million.
Sa kanyang paliwanag, sinabi ni Abad na $15 Million na ang kabuuang naisauli ng casino junket operator na si Kim Wong samantalang $28 Million (P1.5 Billion) naman ang nasa pangangalaga ng Solaire Resorts and Casino.
Ang nasabing halaga ay nauna nang sumailalim sa freeze order ng Court of Appeals pero ito ay lifted na sa kasalukuyan dahil sa petisyon na nakahain sa Supreme Court.
Umaabot naman sa $17 Million ang sinasabing napunta sa Philrem Services Inc. na siyang remittance company na naging daan kung bakit naipasok sa bansa ang nasabing pera na na-hack mula sa New York Federal Reserve account ng Bangladesh Central Bank.
Ipinaliwanag din ni Abad na posibleng napunta sa Chinese junket operator na si Weikang Xu ang hinahanap pa na $21 Million.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.