Eastern Samar, muling niyanig ng lindol

Tumama ang magnitude 4.1 na lindol sa Eastern Samar, Lunes ng hapon.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 19 kilometers Northeast ng Hernani dakong 4:41 ng hapon.

54 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Bunsod nito, nakapagtala ng instrumental intensities sa ilang karatig-bayan:
Intensity 2 – Catbalogan City, Samar
Intensity 1 – Abuyog at Palo, Leyte

Wala namang napaulat na pinsala sa Hernani.

Sinabi rin ng Phivolcs na walang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...