Sen. Hontiveros ikinatuwa ang Comelec task force vs fake news

Magandang hakbang, ayon kay reelectionist Senator Risa Hontiveros, ang binabalak ng Commission on Election (COMELEC) na pagbuo ng task force para labanan ang pagkalat ng fake news ngayon panahon ng eleksyon sa bansa.

 

“As a victim of fake news myself, I support efforts to combat disinformation and fake news,” sabi ni Hontiveros.

 

Hiling din ng senadora na pag-aralan ng Comelec ang mga epektibong paraan sa ibang bansa sa kanilang paglaban sa mga maling impormasyon.

 

“What is clear to me is this should be a multi-sectiral effort that includes the internet and social media platforms themselves, such as Facebook and YouTube,” dagdag pa nito.

 

Una nang sinabi ni Comelec Comm. Geore Garcia na kukumbinsihin niya ang commission en banc na bumuo ng task force laban sa fake news.

Aniya dapat lanag ay tugisin ang mga nagpapakalat ng mga maling impormasyon na nagdudulot ng pangamba o pagdududa sa integridad ng papalapit na eleksyon.

Read more...