‘Tao sa tao, puso sa puso’ na diskarte ni Sec. Jesse Robredo ikinakasa ng mga anak para kay VP Leni

Patuloy ang pagsasagawa ng tradisyunal na pamamaraan ng pangangampaniya ng mga anak ni presidential aspirant Leni Robredo.

 

Ngayon umaga ay nagtungo sa San Ildefonso Public Market si Aika Robredo para manghikayat ng mga botante para sa kanyang ina.

 

Sinundan niya ito ng pagkatok sa mga bahay sa Barangay Poblacion para mangumbinsi din ng mga botante.

 

Base ito sa paniniwala ng panganay na anak ni Robredo na ang mga tradisyunal na pamamaraan para rin ang epektibong paraan upang makakuha ng suporta.

 

Nabanggit ng nakakabatang Robredo na ito ang naging paraan ng kanilang ama, ang yumaong Interior Sec. Jesse Robredo, ang ‘tao sa tao, puso sa puso’ na pangangampaniya.

 

Naibahagi din niya na ginagawa na nila ang house-to-house campaign noong mga bata pa silang magkakapatid sa tuwing kakandidato ang kanilang butihing ama.

 

Nagtungo din sa isang komunidad ng mga mananahi sa bayan naman ng San Rafael si Aika para kamustahin ang mga naging benipesaryo ng programa ng kanyang ina.

Read more...