Sana All! Sen. Win Gatchalian sa pagbabalik ng face-to-face classes

DEPED PHOTO

Nagpapatuloy ang hirap sa edukasyon sa bansa dahil sa pandemya, kayat sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian na malaki ang maitutulong kung bubuksan na para sa pagbabalik-klase ang lahat ng mga eskuwelahan.

 

Kasabay nito aniya ang pagkasa dapat ng learning recovery program.

 

Binanggit niya na base sa ulat ng UNICEF at UNESCO, 85 porsiyento ang learning poverty sa bansa at tumaas ito mula sa 69.5 porsiyento noong 2019, bago ang COVID 19 crisis.

 

Naipunto din sa ulat na sa Pilipinas ang may pinakamahabang pagsasara ng mga eskuwelahan.

 

Diin ng senador napakahalaga na makapagsagawa na ng limited face-to-face classes sa lahat ng eskuwelahan para maibsan ang epekto sa sektor ng edukasyon.

 

“Kailangang tutukan natin ang pagbangon ng sektor ng edukasyon upang matiyak na natututo nang husto ang ating mga mag-aaral. Sa ating pagbangon, dapat nating tiyakin ang ligtas na pagbabalik ng mga mag-aaral sa mga paaralan bilang pangunahing hakbang,” ayon pa sa namumuno sa Senate Committee on Basic Education.

 

Read more...