Mga pulis na positibo pa sa COVID-19, nasa dalawa pa rin

Patuloy ang pagbaba ng mga pulis na positibo sa COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Base sa tala ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Linggo (April 3), walang pulis na bagong tinamaan ng nakahahawang sakit.

Dahil dito, nasa 48,860 pa rin ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.

Wala ring pulis na bagong gumaling sa nakakahawang sakit, kung kayat nasa 48,729 pa rin ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.

Sa ngayon, nanatili sa dalawa ang aktibo pang kaso.

Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, 129 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...