Lagpas 6.17 milyon na ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.
Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 6,174,487 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 1,008,159.
Sumunod na rito ang Brazil na may 660,192 na pumanaw bunsod ng pandemiya.
Nasa 521,374 naman ang death toll sa India habang 369,404 ang napaulat na nasawi sa Russia.
Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– Mexico – 323,212
– Peru – 212,299
– United Kingdom – 165,570
– Italy – 159,666
– Indonesia – 155,241
– France – 142,475
– Iran – 140,277
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 491,090,901 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nasa 425,667,714 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.