Social mobilizers gagamitin ng pamahalaan sa mga lugar na may mababa ang bilang ng mga nagpapabakuna kontra COVID-19

PCOO photo

 

Kukuha ang pamahalaan ng “social mobilizers” para humikayat sa publiko na magpabakuna na kontra COVID-19.

 

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni National Vaccination Operations Center chief at Health Undersecretary Myrna Cabotaje, na magbabahay-bahay ang mga social mobilizers para ipaliwanag sa komunidad kung gaano ka-bisa ang mga bakuna pati na ang side effects na dulot nito.

 

Makatutuwang aniya ng DOH sa naturang programa ang Unicef sa pamamagitan ng Relief International.

 

Tutukan aniya ng mga social mobilizers ang mga lugar na may mababa ang bilang ng mga nagpapabakuna.

 

Sa ngayon, nasa 67 milyong Filipino na ang nagpapabakuna kontra COVId-19.

 

Read more...