Ramadan magsisimula sa Abril 3

 

Magsisimula na bukas, Abril 3 ang Ramadan o ang holy Islamic month ng mga Muslim.

Ito ang inanunsyo ng Grand Mufti of the Bangsamoro.

Magsisimula ang fasting o pag-aayuno ng mga Muslim bukas.

Isang buwan na magsasagawa ng pagdarasal, pag-aayuno at pag-abstain sa mga makasalanang pag-uugali ang mga Muslim.

Magtatapos ang Ramadan sa Eid’l Fitr na isang holiday sa Pilipinas.

 

Read more...