Wala nang ia-aapoint sa gobyerno si Pangulong Rodrigo Duterte hanggang sa matapos ang kanyang termino sa Hunyo.
Sa talumpati ng Pangulo sa Lapu-lapu City, Cebu sinabi nito na hindi na niya aaprubahan ang anumang appiointment.
Hindi na rin aaprubahan ni Pangulong Duterte ang anumang malalaking proyekto.
Ayon sa Pangulo, sa nalalapit na pagtatapos ng kanyang termino, marami ang nagtutungo sa Davao at humihirit na aaprubahan ang appointment at big projects.
Pero ayon sa Pangulo, ayaw na niyang aprubahan ang mga ito.
Hindi naman tinukoy ng Pangulo kung sinong mga personalidad ang humihirit sa kanya.
MOST READ
LATEST STORIES