Walang kinalaman sa eleksyon sa Mayo 9 ang nangyaring security data breach ng Smartmatic.
Ayon kay Commission on Elections (Comelec) chairman Saidamen Pangarungan, base ito sa kanyang pakikipagpulong sa mga kinatawan ng Smartmatic, araw ng Huwebes (March 31).
Ayon kay Pangarungan, kinumpirma ng Smartmatic na ang security data breach ay patungkol lamang sa internal organization at activities.
Hindi aniya nakompromiso ang seguridad ng mga balota at SD cards.
Ayon kay Pangarungan, hihintayin muna ng Comelec ang resulta ng imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa nasabing insidente.
Inatasan na rin ni Pangarungan ang Law Department ng Comelec na pag-aralan kung ano ang magiging opsyon kanyang tanggapan.
MOST READ
LATEST STORIES