Surigao del Norte, niyanig ng magnitude 4.8 na lindol

Tumama ang magnitude 4.8 na lindol sa Surigao del Norte, Biyernes ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 98 kilometers Northeast ng General Luna bandang 9:35 ng umaga.

May lalim ang lindol na 22 kilometers at tectonic ang origin.

Bunsod nito, naitala ang instrumental intensity 1 sa Surigao City.

Wala namang napaulat na pinsala sa lugar.

Sinabi ng Phivolcs na walang inaasahang aftershocks sa mga karatig-bayan.

Read more...