Dalawang kaso ng COVID-19, napaulat sa PNP

May tatlong aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng pulisya, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Base sa tala ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Biyernes (April 1), dalawang pulis ang bagong tinamaan ng nakahahawang sakit.

Dahil dito, 48,860 na ang confirmed COVID-19 cases sa PNP.

Isa namang pulis ang bagong gumaling sa COVID-19, kung kaya’t 48,729 ang total recoveries.

Samantala, wala ring bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, nanatili sa 128 ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...