WATCH: Ping Lacson, nainsulto sa ‘withdraw call’ ni Lito Atienza

Photo credit: Sen. Ping Lacson/Facebook

Hindi na nakapagpigil si independent presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson at sinabi na nabastusan at nainsulto siya sa panawagan ni vice presidential candidate Lito Atienza na umatras na ito sa karera sa pagka-pangulo.

Kinuwestiyon ni Lacson ang karapatan at pinaghuhugutan ni Atienza sa panawagan nito.

“I suggest that Lito Atienza should go back to school and study GMRC (Good Manners and Right Conduct) which was I authored. Kaya natin ibinalik ang GMRC sa elementary school para maibalik ang values sa mga Filipino,” diin nito.

Dagdag pa ni Lacson, “That’s kabastusan to say the least for somebody like him na mas matanda pa sa akin, na magsabing mag back out ang isang kandidato without even consulting. That is insulting!”

Narito ang bahagi ng pahayag ni Lacson:

Unang hinamon ni Atienza si Lacson na umatras na sa laban at suportahan na lamang ang tambalang Manny Pacquiao – Tito Sotto.

Katuwiran niya sa pagsasanib-puwersa ng mga kandidato ay mas malaki ang tsansa na matibag ang Bongbong Marcos-Sara Duterte tandem.

Read more...