Comelec: Vaccination cards, booster shots hindi kailangan para makaboto sa May 9

Screengrab from Chona Yu’s video/Radyo Inquirer On-Line

Nilinaw ng Commission on Elections na hindi kailangan o hindi requirement ang vaccination cards o booster shots kontra COVID-19 para makaboto sa eleksyon sa Mayo 9.

Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Commissioner George Garcia, unconstitutional at wala sa batas na hingan ng vaccination cards ang mga botante.

Wala rin aniyang batas para sa mandatory vaccination kontra COVID-19.

Constitutional right aniya ng bawat Filipino ang pagboto.

Fake news din aniya ang mga kumakalat sa social media na kailangan ng booster shots.

Read more...