Nasa 178,998 na printed na balota ang depektibo.
Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Commissioner George Garcia, nangangahulugan ito ng 0.28 porsyento ng 67.4 milyong balota na gagamitin sa eleksyon sa Mayo 9.
Ayon kay Garcia, susunugin sa harap ng media, mga kinatawan ng mga political party at iba pa ang mga depektibong balota.
Sa ganitong paraan, magiging kampante ang taong bayan na magkakaroon ng maayos na eleksyon sa Mayo.
Nasa anim na milyon naman ang nasa quality control at subject for verifocation.
MOST READ
LATEST STORIES