PNP, may dalawa pang aktibong kaso ng COVID-19

May dalawang aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng pulisya, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Base sa tala ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Huwebes (March 31), walang pulis na bagong tinamaan ng nakahahawang sakit.

Dahil dito, 48,859 pa rin ang confirmed COVID-19 cases sa PNP.

Wala ring pulis na bagong gumaling sa COVID-19, kung kaya’t 48,729 pa rin ang total recoveries.

Samantala, wala ring bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, nanatili sa 128 ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...