Sa situational report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) bandang 8:00, Huwebes ng umaga (March 31), umakyat sa 2,047 pamilya o 7,237 katao ang apektado ng aktibidad sa naturang bulkan.
Nagmula ang mga apektadong mamamayan sa 18 barangay sa probinsya ng Batangas.
Umakyat na sa 20 ang itinalagang evacuation center para sa mga apektadong residente.
Nasa 4,165 ang displaced persons sa loob ng evacuation centers, habang 1,952 naman ang displaced person sa labas ng evacuation centers.
Bandang 10:39, Huwebes ng umaga, may naganap na phreatomagmatic burst sa main crater ng Bulkang Taal.
Nakataas pa rin sa Alert Level 3 ang naturang bulkan.