Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang prangkisa ng apat na broadcasting company sa bansa.
Nakasaad sa Republic Act 11664 ang pagkakaroon ng 25 taong prangkisa ng Franciscan Broadcasting Corporation.
Nakasaad naman sa Republic Act 11666 ang 25 taong renewal na prangkisa ng Soundstream Broadcasting Corporation.
Kasama rin sa inaprubahan ng Pangulo ang renewal ng prangkisa ng Nation Broadcasting Corporation, GV Broadcasting System o mas kilala bilang Cignal TV at sa Real Radio network.
Nakasaad naman sa Republic Act 11665 ang renewal ng prangkisa ng 25 taon ng Iriga Telephone Company na may operasyon sa lalawigan ng Camarines sur.
Nabigyan din ng franchise ang University of Southern Mindanao na nagbibigay awtorisasyon upang manatili ang pagsasahimpapawid nito ng educational broadcast sa buong lalawigan ng Cotabato.
Ang lahat ng nabanggit na approval para sa prangkisa ng nasabing broadcast companies ay nilagdaan lahat ng Pangulo kamakalawa lamang, March 29.