936,000 doses ng reformulated Pfizer COVID-19 vaccine, dumating sa bansa

Reuters photo

Aabot sa 936,000 doses ng reformulated Pfizer COVID-19 vaccines ang dumating sa bansa.

Binili ng pamahalaan ang mga bakuna sa pamamagitan ng World Bank.

Gagamitin ang mga dumating na bakuna sa mga batang edad lima hanggang 11 taong gulang.

Sa ngayon, nasa 65.6 milyong Filipino na ang bakunado sa Pilipinas.

Nasa 11.8 milyon naman ang nakatanggap na ng booster shots.

Read more...