Warriors, wagi kontra Thunders sa Game 2

Twitter Photo / NBA TV
Twitter Photo / NBA TV

Nakabawi ang Golden State Warriors sa Oklahoma City Thunder sa game 2 ng NBA western conference finals.

Sa iskor na 118-91, nagawa ng Warriors na maitabla ang serye sa 1-1.

Nakapagtala ng 15 puntos si Stephen Curry sa loob lamang ng dalawang minuto sa 3rd quarter ng laro.

Sa kabuuan ng laro si Curry ay mayroong 28 na puntos, kasama na ang limang three-points.

Nag-ambag naman si Klay Thompson ng 15 puntos para makabawi sa kanilang pagkatalo sa 1st game.

Noong Martes, matapos matalosa Thunder, naitala ng Warriors ang kanilang ikatlong pagkatalo sa kanilang homecourt ngayong season.

 

Read more...