Ekonomiya ng bansa lumago sa unang quarter ng 2016

Inquirer Photo/Ben De Vera
Inquirer Photo/Ben De Vera

Lumago pa ang ekonomiya ng bansa sa unang quarter ng taong 2016.

Nakapagtala ng 6.9 percent na economic growth na ayon sa Philippine Statistics Authority o PSA ay pinakamataas na paglago ng ekonomiya mula noong taong 2013.

Sinabi ni National Statistician Lisa Grace Bersales, Malaki ang naging kontribusyon ng sector ng Industrya sa paglago ng Gross Domestic Product dahil nakapagpatala ito ng 8.7 na growth rates na sinundan naman ng Services sector na mayroong 7.9 growth rate.

Ayon naman kay NEDA Director-General Emmanuel Esguerra, kumpiyansa silang aabot pa sa 7% ang maitatalang growth rate sa GDP ng bansa sa ikalawang wuarter ng taon.

Read more...