20,000 supporters dumalo sa proclamation rally ni Congressional candidate Dave Almarinez sa Laguna

Dinumog ng mga tagasuporta ang grand proclamation rally ni Congressional candidate Dave Almarinez sa San Pedro, City, Laguna.

Kumakandidatong kongresista si Almarinez, na asawa ng aktres na si Ara Mina, bilang kongresista ng first District ng Laguna sa eleksyon sa Mayo 9.

Tinatayang nasa 20,000 na supporters ang sumipot sa grand rally.

Ito na ang pinakamalaking local political sorties sa Laguna.

“Panahon na bumilis at magbago buhay ng mga taga-San Pedro, Laguna. Kilala ko ang mukha ng bawat isa sa inyo ngayong gabi. Hinding-hindi ko kayo bibiguin. Hinding-hindi kayo bibiguin ng pamilya Almarinez,” pahayag ng asawa ni Ara.

Dinagsag ng supporters na pawang nakasuot ng t-shirt na kulay puti at green ang Rosario Evacuation Complex.

Panay din ang sigaw ng mga tagasuporta ni Almarinez ng “Panalo na!” habang magsasagawa ng parada sa kalsada.

“Di pa man siya nakaupo, may mga programa na siyang napapakinabangan ng tao – free WiFi stations, dialysis centers, scholars, at marami pa. Ano pa kaya pag nakaupo na sya,” pahayag ng isa sa mga tagasuporta ni Almarinez.

“Kung siya ang manalo, alam namin na mararamdaman namin ang tunay na pagbabago sa San Pedro,” dagdag ng supporter.

Pangako ni Almarinez, patuloy niyang bibigyan ng oportunidad ang kanyang mga kababayan na magkaroon ng hanapbuhay pati na ang pagsusulong ng health care modernization sa pamamagitan ng pag-iinvest sa equipment, facilities, at personnel.

Si Almarinez ang naging susi sa pagpapatayo ng 10 dialysis facilities sa lungsod.

Nag-donate rin si Almarinez ng 60 free Wi-Fi stations na mayroong high-speed internet connections.

Nagsilbi si Almarinez ng tatlong termino bilang board member ng Laguna.

Read more...