P1.7-M halaga ng shabu, nabawi sa Taguig buy-bust operation

SPD PIO photo

Umabot sa P1.7 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng Taguig City Police sa dalawang suspected drug personalities.

Sa pamamagitan ng buy-bust operation, nalambat sina Erin Yusa, 34-anyos at Masulot Tasil, 50-anyos, kapwa residente ng lungsod.

Ayon kay Southern Police District director, Brig. Gen. Jimili Macaraeg, 11:30 ng gabi ng Lunes nang ikasa ng Station Drug Enforcement Unit ang operasyon sa Creekside, Barangay Central Bicutan.

Narekober ang pitong heat sealed plastic sachets na naglalaman ng humigit kumulang 255 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.734 milyon.

Mahaharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sina Yusa at Tasil.

Read more...