Napatay ang isang mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) at dalawang iba sa engkuwentro sa Maragusan, Davao de Oro noong araw ng Linggo.
Kinilala ang nasawing lider ng mga rebelde na si Ezequil Daguman, miyembro ng Communist Party of the Philippines at executive committee member ng Southern Mindanao Regional Committee.
Samantalang ang dalawang iba pa ay sina Ruel Baylon at Quirino Remegio.
Narekober din sa mga nasawi ang mga matataas na kalibre ng baril, pampasabog, bala, at gamit medikal.
Naganap ang engkuwentro isang araw bago ang paggunita ng ika-53 anibersaryo ng NPA.
Pinaniniwalaang sa pagkamatay nina Daguman, napigilan ang mga balak nilang pag-atake at paglulunsad ng opensiba.
MOST READ
LATEST STORIES