Dalawang pulis, nagpapagaling pa sa COVID-19

May dalawang aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng pulisya, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Base sa tala ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Miyerkules (March 30), isang pulis ang bagong tinamaan ng nakahahawang sakit.

Dahil dito, 48,859 na ang confirmed COVID-19 cases sa PNP.

Isang pulis din ang bagong gumaling sa COVID-19, kung kaya’t 48,729 na ang total recoveries.

Samantala, wala muling bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, nanatili sa 128 ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...