Pumalo na sa 485.55 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 485,550,064 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.
Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 81,686,628 cases.
Sumunod na rito ang India na may 43,023,010 na nagpositibo sa pandemiya.
Nasa 29,882,397 naman ang kaso sa Brazil habang 25,276,508 ang napaulat na kaso sa France.
Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 20,986,170
– Germany – 20,702,930
– Russia – 17,803,503
– Turkey – 14,831,231
– Italy – 14,496,579
– South Korea – 12,774,956
– Spain – 11,508,309
Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 6,157,114 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.
Nasa 420,720,293 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.