Pangulong Duterte, ipinagtanggol si Badoy ukol sa naging akusasyon na may ugnayan ang CPP sa limang party list group

PCOO photo

Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte si National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) spokesperson Undersecretary Lorraine Badoy sa akusasyon nito na may ugnayan sa Communist Party of the Philippines (CPP) ang limang party list groups.

Sa Talk to the People, sinabi ng Pangulo na totoo namang may kaugnayan sa CPP ang Makabayan bloc.

Ang tinutukoy ng Pangulo ang partylist groups na Kabataan, Anakpawis, Bayan Muna, Alliance of Concerned Teachers (ACT), at Gabriela.

Ayon sa Pangulo, nakapasok sa Kongreso ang makakaliwang grupo sa pamamagitan ng party list.

Makikita naman aniya sa pag-uugali ng mga kinatawan ng party list at kung anong mga adbokasiya ang kanilang isinusulong.

Ayon sa Pangulo, ang Makabayan bloc ang legal fronts ng CPP.

Maging sa abroad aniya at international bodies ay napasok na ng makakaliwang grupo.

Ayon sa Pangulo, hindi lamang ang makakaliwang grupo ang sinasamantala ang party list group kundi maging ang oligarchs at mayayamang angkan ng mga pulitiko.

Read more...