Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na bigyan ng data ang International Criminal Court (ICC) at iba pang human rights advocate kaugnay sa dami ng mga nakukumpiskang ilegal na droga sa bansa.
Sa Talk to the People, inatasan din ng Pangulo ang iba pang law enforcement units sa bansa na bigyan ng data ang ICC at iba pang grupo.
Dapat aniyang ipakita sa ICC kung ilang tone-toneladang shabu ang nakukumpiska sa bansa kada araw.
Dapat aniyang pagnilay-nilayan ng ICC ang mga Filipinong kabataan na lulong sa ecstacy, shabu at iba pang cocktail drugs.
Umaasa ang Pangulo na kapag nabigyan ang ICC ng data, malalaman ng mga ito ang sentimyento sa problema sa ilegal na droga kung paano winawasak ang kinabukasan ng mga kabataan.
Matatandaang may ginagawang imbestigasyon ang ICC sa war on drugs ni Pangulong Duterte.