Produksyon ng karne ng baboy noong huling kwarter ng 2021, bumagsak

Ibinahagi ng Philippine Statistics Authority (PSA) na noong nakaraang Disyembre bumaba ng 12 porsiyento ang produksyon ng karne ng baboy.

Base sa inilabas na datos ng PSA, ang kabuuang produksyon ng baboy noong Oktubre hanggang Disyembre ay umabot lamang sa 450.22 na libong metriko tonelada.

Mas mababa ito sa naitalang 515.1 libong metriko tonelada sa katulad na panahon noong 2020.

Ayon sa Bureau of Animal Industry (BAI), ang pagbaba sa produksyon ay dahil pa rin sa pananalasa ng African swine fever (ASF).

Samantala, nangunguna sa produksyon ng karne ng baboy ang Northern Mindanao sa 62.03 na libong metriko tonelada at sumunod ang Western Visayas, Calabarzon at Davao Region.

Hanggang sa unang buwan ng kasalukuyang taon, bumaba rin ng 4.5 porsiyento ang kabuuang imbentaryo ng baboy sa bansa.

Sa kasalukuyan, ang kabuuang imbentaryo sa bansa ng baboy ay 9.49 milyon.

Read more...