Mas maigting na fire prevention awareness drive, isinusulong ni Sen. Bong Go; Mga biktima ng sunog sa Las Piñas, pinadalhan ng tulong
By: Chona Yu
- 3 years ago
Binigyang diin ni Senador Christopher “Bong” Go ang kahalagahan ng mas matatag na government fire response efforts, lalo na ngayong tag-init, kung saan mataas ang insidente ng sunog sa bansa.
Sa paggunita sa Fire Prevention Month, nanawagan muli si Go sa pamahalaan na palakasin ang kanilang fire prevention initiatives kabilang ang information campaigns, partikular sa fire-prone communities, kasabay ng pagdadala ng team ni Go ng tulong 30 pamilya na naapektuhan ng magkahiwalay na sunog sa Barangay Manuyo Dos at Barangay Talon Kuatro sa Las Piñas City.
“Importante ang information campaign lalo sa mga lugar kung saan dikit-dikit ang mga bahay para maiwasan ang sunog dahil kapag may nasunog na isang bahay, damay ang iba,” pagbibigay diin ni Go sa kanyang video message.
Si Go na siya ring Vice Chair ng Senate Committee on Public Order, ang pangunahing may-akda at co-sponsor ng Republic Act No. 11589 o Bureau of Fire Protection Modernization Act of 2021.
“Modernizing the country’s Bureau of Fire Protection has always been one of our main advocacies with President Rodrigo Duterte. Just like you, it is our vision to see a better and modern fire response service that is capable of ensuring that this country will be fire-safe,” saad ng senador.
Isinagawa ng mga staff ni Go ang aktibidad sa BF Martinville sa Brgy. Manuyo Dos at Brgy. Talon Kuatro Hall kung saan namahagi sila ng financial assistance, masks, meals, shirts at grocery packs sa mga apektadong pamilya.
Una nang naghatid ng tulong ang team ng senador sa daan-saang mahihirap na residente sa Pandacan, Maynila