33 milyong Filipino wala pang COVID-19 booster shots

Aabot sa 33 milyong Filipino pa ang walang booster shots kontra COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 45 milyong Filipino ang eligible sa booster shots.

Pero sa ngayon, nasa 11.8 milyon pa lamang ang nagpapaturok ng booster shots.

Ayon kay Vergeire, nagsagawa ng survey ang Department of Health kung bakit marami sa mga Filipino ang ayaw magpabakuna ng booster shots.

Karamihan aniya sa mga Filipino ang nagsabi na sapat na ang dalawang dose ng bakuna at hindi na kailangan ang booster shot.

Sa ngayon, nasa 65.5 milyong Filipino na ang nabakunahan kontra COVID-19.

 

Read more...