Ayon sa Phivolcs, base sa seismic records at visual cameras, naganap ang naturang aktibidad bandang 9:30 ng umaga, 9:33 ng umaga, at 9:46 ng umaga.
Nagdulot ito ng plume na may taas na 400 hanggang 800 metro na napadpad sa Timog-Kanluran.
Sa nakalipas na 24 oras, nakapagtala ang TVN ng walong volcanic earthquake, kasama ang isang volcanic tremor, na tumagal ng limang minuto at pitong low-frequency volcanic earthquake.
May naganap na ‘upwelling’ ng mainit na volcanic gas sa lawa ng main crater na lumikha ng plume na may taas na 2,400 metro na napadpad sa Timog-Kanluran.
Nagbuga rin ang bulkan ng sulfur dioxide na 4,273 tonelada kada araw noong March 28.
Patuloy naman ang rekomendasyon ng Phivolcs na bawal ang pagpasok sa Taal Volcano Island (Permanent Danger Zone o PDZ) at high-risk barangays ng Agoncillo at Laurel.
Ipagbabawal din ang lahat ng aktibidad sa Taal Lake, at ang pagpapalipad ng anumang aircraft malapit sa naturang bulkan.
Paalala pa ng Phivolcs, maaring makaranas ng biglaang explosive eruption, pyroclastic density currents o base surge, volcanic tsunami, ashfall, o accumulation ng lethal volcanic gas.