Pagkamatay sa tuli ng binatilyo, hahawakan ng PAO

Inihahanda na ng Public Attorney’s Office (PAO) ang pagsasampa ng mga kasong kriminal sa responsable sa pagkamatay ng isang bagong tuli na binatilyo sa Lucena City.

Sinabi ni PAO Chief Persida Acosta na posibleng maharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide ang mga nagsagawa ng medical mission kung saan nagpatuli ang 13-anyos na si Angelo Tolentino.

Aniya, malinaw na may kapabayaan sa bahagi ng isang fraternity na nagsagawa ng medical mission.

Nabanggit din ni Acosta na na-awtopsiya na ni Dr. Erwin Erfe ang katawan ng binatilyo bagamat hindi pa ibinahagi ang resulta.

Sa mga ulat, matapos tuliin, hindi tumigil ang pagdurugo ng ari ng binatilyo at kinabukasan ay binawian ito ng buhay sa ospital.

Read more...