PNP, may apat pang aktibong kaso ng COVID-19

May apat na lamanag na aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng pulisya, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Base sa tala ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Lunes (March 28), walang pulis na bagong tinamaan ng nakahahawang sakit.

Dahil dito, 48,858 pa rin ang confirmed COVID-19 cases sa PNP.

Dalawang pulis naman ang bagong gumaling sa COVID-19, kung kaya’t 48,726 na ang total recoveries.

Samantala, wala muling bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.

Bunsod nito, nanatili sa 128 ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.

Read more...