Kaso ng COVID-19 sa mundo, sumampa na sa higit 482.11 milyon

Reuters photo

Pumalo na sa 482.11 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 482,114,270 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 81,621,888 cases.

Sumunod na rito ang India na may 43,020,651 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 29,842,418 naman ang kaso sa Brazil habang 25,029,573 ang napaulat na kaso sa France.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 20,691,123
– Germany – 20,251,037
– Russia – 17,762,742
– Turkey – 14,800,677
– Italy – 14,364,723
– South Kore – 12,003,054
– Spain – 11,451,676

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 6,148,302 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 416,513,822 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...