Obama, tiniyak ang magandang ugnayan ng US at Pilipinas sa ilalim ng Duterte administration

 

Bukod sa pagbati sa pagkapanalo ni presumptive President Rodrigo Duterte, binati rin ni US President Barack Obama ang pagkakaroon ng mataas na voter turnout sa nagdaang matagumpay na May 9 elections.

Sa unang pag-uusap nina Duterte at Obama sa pamamagitan ng tawag sa telepono, sinabi ng US President na batid na batid sa naganap na halalan ang pamamayagpag ng demokrasya sa Pilipinas.

Nabigyang diin rin ni Obama sa kanilang pag-uusap ang matagal na at magandang relasyon ng US at ng Pilipinas, kabilang na ang aniya’y “shared commitment” ng dalawang bansa sa demokrasya, karapatang pantao, rule of law at inclusive economic growth.

Ayon pa sa statement na inilabas ng White House, parehong tiniyak ng magkabilang panig ang pagpapatuloy at pagpapaganda ng relasyon ng US at Pilipinas kung saan magiging batayan ang mga pinaniniwalaan nilang prinsipyo.

Read more...