Dating Sec. Dominguez nagbago ng isip, pasok na sa Duterte Cabinet

 

Nico Alconaba/Inquirer Mindanao

Nagbago ng isip si dating Agriculture Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez at tatanggapin na ang alok na maging Finance Secretary ng Duterte administration.

Kinumpirma ni Atty. Salvador Panelo, nagsisilbing press secretary ni presumptive president Rodrigo Duterte na binawi ni Dominguez ang nauna nitong pahayag na tumatanggi sa alok na posisyon sa Gabinete ni Duterte.

Si Dominguez, na isang negosyante ay nagsilbing finance head noong panahon ng kampanya ni mayor Duterte.

Naging bahagi rin ito ng Gabinete nina dating Pangulong Cory Aquino at Fidel Ramos.

Isa si Dominguez sa mga bumuo ng eight-point economic agenda ni Duterte at bahagi rin ng kanyang transition team.

Una nang inanunsyo ni Panelo na umatras si Dominguez sa alok ni Mayor Duterte namaging Finance Secretary dahil sa nauna na nitong mga business commitements.

Read more...