Campaign manager ni Duterte tumangging maging DILG secretary

 

Mula sa maribojoc.gov.ph

Tumanggi ang national campaign manager ni presumptive President Rodrigo Duterte na si Leoncio Evasco na tanggapin ang iniaalok sa kaniya na maging bahagi ng Gabinete ng papasok na Duterte administration.

Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Evasco na ikinalugod niya ang alok sa kaniya ni Duterte na maging kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Ang mismong pag-konsidera lamang aniya sa kaniya bilang isa sa mga napipisil na maging kalihim ng DILG ay kalugud-lugod na para sa kaniya dahil hindi naman lahat ng tao ay nabibigyan ng ganitong klaseng pagkakataon para mamuno sa kagawaran.

Gayunman, nilinaw ni Evasco na kahit isa siya sa mga nanguna sa kampanya ni Duterte, wala siyang interes at hindi siya magkakaroon ng interes na magkaroon ng posisyon sa Gabinete.

Bagaman tinanggihan niya ang alok na ito, nangako naman siya na lagi niyang pagsisilbihan ang bagong pangulo ng bansa sa abot ng kaniyang makakaya, at patuloy pa rin ang kaniyang serbisyo sa mga mamamayang Pilipino.

Read more...