Keith Martin natagpuang patay sa QC

Natagpuang patay ang American singer-songwriter na si Keith Martin sa loob ng kanyang condominium unit sa Quezon City.

Ayon sa ulat ng pulisya, inireklamo ng mga kapitbahay ang masansang na amoy na galing sa condo unit ni Martin.

Agad na nakipag-ugnayan ang pulis sa barangay officials at natagpuan ang bangkay ni Martin sa Unit 6E sa ikaanim na palapag.

Hindi pa matukoy ng mga pulis ang sanhi ng pagkamatay ni Martin.

 

Nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga pulis.

 

Sumikat si Martin sa kantang “Because of you.”

 

Read more...