De Lima camp kay Tolentino: ‘Move on na’

Inquirer file photo

Dapat tanggapin na ni dating MMDA chairman at 13th placer sa senatorial elections Francis Tolentino ang realidad na hindi ito pinalad sa nakaraang halalan.

Reaksyon ito ng kampo ni dating Justice Secretary at 12th placer sa senatorial race na si Leila De Lima sa tangka ni Tolentino na ipahinto ang nakatakdang proklamasyon ng mga nanalo sa botohan sa pagka-senador na nasa pang-sampu hanggang pang-labindalawang puwesto.

Ayon kay Atty. Donnah Camitan legal counsel ni De Lima, naging transparent sa kabuuan ang pagbibilang ng lahat ng 164 na certificates of canvass at naging ‘accurate’ aniya ito.

Tiwala din sila na hindi papaboran ng Korte Suprema ang petisyon ni Tolentino dahil wala aniyang violation na nangyari sa national board of canvassers.

Batay sa 121 canvass report, lamang na ng 1.2 milyong boto si De Lima kay Tolentino.

Ngayong araw nakatakdang iproklama ng Comelec ang mga nanalong senador at partylist groups sa nakalipas na eleksyon.

Read more...