LP, itinangging nakipag-alyansa na sa PDP-Laban

 

Inquirer file photo

Wala pang usapan sa pagitan ng PDP Laban at Liberal Party kung posible ba na magkasama sila sa “Coalition for Change” sa papasok na Duterte administration.

Ito ang inihayag ni incoming Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez, matapos makipagpulong sa mahigit animnapung partylist at district congressmen.

Ang mga nasabing Kongresista ay nagpahayag na ng suporta sa PDP Laban at speakership ni Alvarez sa 17th Congress.

Ang pagiging bagong lider ng Kamara ni Alvarez ay may tulak ni Incoming President Rodrigo Duterte.

Gayunman, umaasa si Alvarez na mayroong mula sa kampo ng LP ang makikipag ugnayan sa kanilang partido para sa posibleng alyansa.

Sa pulong sa isang hotel sa Pasay City kahapon, kakaunti lamang ang present na LP members.

Si reelected Quezon City Rep. Feliciano Belmonte ang kasalukuyang House Speaker, pero maugong din na itatapat ng LP sa speakership.

 

Read more...