Heatstroke break sa MMDA field personnel magsisimula sa Abril 1

Simula sa Abril 1, magkakaroon ng heatstroke break ang mga field personnel ng Metro Manila Development Authority.

Ayon kay MMDA chairman Attorney Romando Artes, may dagdag na 30 minutong heatstroke break ang mga field personnel para maprotektahan ang mga ito sa sakit na dulot ng mainit na panahon gaya ng heatstroke, heat exhaustion, heat cramps at heatwave.

Para sa mga traffic enforcers na duty mula 5:00 ng umaga hanggang 1:00 ng hapon, mayroon silang heatstroke break ng 10:00 hanggang 10:30 o 10:30 hanggang 11:00 ng umaga.

Para naman sa mga duty ng 1:00 ng hapon hanggang 9:00 ng gabi, mayroon silang heatstroke break ng 2:30 hanggang 3:00 ng hapon o 3:00 hanggang 3:30 ng hapon.

Para sa mga duty ng 6:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon, mayroon silang heatstroke brea ng 11:00 hanggang 11:30 ng umaga o 11:30 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.

Para sa mga duty ng 2:00 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi, mayroon silang heatstroke break na 3:00 hanggang 3:30 ng hapon o 3:30 ng hapon hanggang 4:00 ng hapon.

Para naman sa mga street sweeper na mayroong shift na 6:00 ng umaga hanggang 2:00 ng hapon, mayroon silang heatstroke break ng 11:00 hanggang 11:30 ng umaga o 11:30 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.

Para sa mga may duty na 7:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon, mayroon silang 12:00 hanggang 1:00 na regular break time.

Para sa mga may duty ng 11:00 ng umaga hanggang 7:00 ng gabi, mayroon silang break time na 2:30 hanggang 3:00 ng hapon o 3:00 hanggang 3:30 ng hapon.

“The heatstroke break shall be done alternately by those who are assigned in a particular area to maintain visibility of traffic enforcers and street sweepers and to ensure field operations are not hampered,” pahayag ni Artes.

Papayagan din aniya ang mga field personnel na magkaroon ng karagdagang 15 minutong break kung pumalo sa 40 degrees Celsius o higit pa ang heat index.

Tatagal ang heatstroke break ng hanggang May 31, 2022

Read more...