Cayanong kampeon sa “Battle of the Big Boys” event

Pinupog ng panabong ni Ka Rex Cayanong ang mga tigasing breeder at sabungero upang angkinin ang solo champion sa katatapos na Battle of the Big Boys 6-Cock Super Big Event na nilarga noong Lunes sa Manila Arena. Nagtala ng malinis na anim na puntos ang entry name ni Cayanong na SABONG On Air sapat upang mag kampeon sa event na napanood lahat ang sultada sa WPC-PitMaster Live. Shinapol ng SABONG On Air ang mga kilalang breeder at sabungero, kasama sa mga pinag ng mga warriors ni Cayanong ang entry na AA0 HitCock na pag-aari ni Gerry Ramos. Unang kinalos ng SABONG On Air ang Sudan Sun Liberator Power nina Paul Torres at Aldo, sunod ang AA0 HitCock at pangatlo ang BMY-SUPERTUFF-DC Bailen. Kabilang sa mga naging biktima ng mga manok ni Cayanong ang AA-DLG-JPB nina Atong Ang at Liloy Go sa fourth fight sunod ang Jecca 196/Tyago 1017 nina Joel Cuento at Christrian Almario. Nasilo ng SABONG On Air ang pang-anim na panalo nang ratratin nito ang Fantastic Mantis San Marcos na combined entry nina Amben Amante at Jun Garbes. Ayon kay Cayanong, malaking bagay sa kanyang tagumpay ay ginawang paghahanda sa manok nito ng kanyang mga handlers na sina Ian Avila, Ranier Bernal at Bhem Bhem habang ang gaffer ay si Juan Carlos Bullicer.

Read more...