P5,000 ayuda sa mga anak ng indigent solo parent, ipinamahagi ni Mayor Belmonte

Pinangunahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang pamamahagi ng educational assistance sa mga estudyante sa lungsod.

Nakatanggap ng tig P5,000 ang mga estudyante na anak ng registered indigent solo parent sa lungsod.

Bukod sa pinansyal ayuda, sinabi ni Belmonte namakatatanggap din ng welfare assistance program ang mga solo parent.

Matatandaang kamakailan lamang, nagpasa ang Sangguniang Panlungsod ng ordinansa na magbibigay ng tulong sa mga solo parent.

 

Read more...