Nanatiling nasa ilalim ng Partido Reporma si presidential candidate Senador Panfilo Lacson.
Ito ay kahit na nagbitiw na bilang chairman ng partido si Lacson.
Ayon kay Commission on Elections Commissioner George Garcia, nakapag-imprenta na ng balota ang kanilang hanay para sa gagamitin sa eleksyon sa Mayo 9.
Kung anong partido ang nakalagay sa pangalan ni Lacson noong naghain ng kandidatura ay siya rin ang nakalagay na pangalan ng political party sa balita.
Sinabi pa ni Garcia na mananatiling nasa Partido Reporma ang pangalan ni Lacson.
Sa ngayon, nasa 58 milyon na o 87.2 percent ng 67 milyong balota ang na-imprinta na.
Matatandaang nagbitiw si Lacson sa Partido Reporma matapos suportahan ang kandidatura ni Vice President Leni Robredo.