Sambayanang Filipino, maswerte dahil tuloy pa rin ang kandidatura ni Lacson – Moreno

Maswerte ang sambayanang Filipino dahil tuloy pa rin ang pagkandidato sa pagka-pangulo si Senador Panfilo “Ping” Lacson.

Ito ay kahit na nagpasya si Lacson na magbitiw bilang kandidato ng Partido Reporma.

Ayon kay Aksyon Demokratiko presidential candidate Manila Mayor Isko Moreno, asset si Lacson ng Pilipinas.

Nakatutuwa, ayon kay Moreno, na tuloy ang paglahok ni Lacson sa presidential race.

Magandang opsyon aniya ng mga botante si Lacson.

Pagtitiyak ni Moreno, hindi niya iiwan at tuloy lang ang laban kahit na mahirap.

Sa ngayon aniya, painit nang painit ang labanan ng grupo ng dalawang pulitiko na nangunguna sa presidential survey.

Hangad ni Moreno kay Lacson ang lahat ng kabutihan, lakas ng katawan at mahabang pasensya para maipagpatuloy ang laban at maraming kandidatong mapagpilian ang mga botante sa Mayo 9.

Read more...