WATCH: Mga tagasuporta nina Robredo at Moreno, sumugod sa BIR

Kuha ni Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line

Sumugod sa tanggapan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Quezon City ang mga tagasuporta nina presidential candidates Isko Moreno at Leni Robredo.

Ito ay para kalampagin ang BIR at ipasingil ang P203 bilyong tax liabilities ng pamilya ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Vivian Velez, head ng ISAng Pilipinas, nangangamba ang kanilang hanay na maglaho na parang bula ang tax liabilities ni Marcos kung mananalong Pangulo ng bansa.

Sinabi naman ni Tim Orbos, isa sa mga tagasuporta ni Moreno na kung talagang mahal ni Marcos ang Pilipinas at isang tunay na Pilipino, dapat itong magbayad ng buwis.

Sinabi naman ni Elmer Argaño, isang negosyante, malaking tulong sa kanilang hanay sana kung magbabayad ng buwis si Marcos para magkaroon ng tax relief ang mga maliliit na negosyante sa bansa.

Sa panig ni Julits Velasco, Convenor Tindig Kabataan, kung ang mga estudyante ay nagbabayad ng buwis sa matrikula at basic goods, dapat magbayad din si Marcos ng tamang buwis.

Read more...